Napakaraming malalaking PROBLEMA ng ating bansa ngayon. Kung bibilangin natin ang mga yan ay kulang ang ating mga daliri sa kamay at sa paa. Pero para sa akin ang pinakamalala ay ang pamamalakad ng mga nakaupo sa ating pamahalaan-Napakarami pa rin na mali ang kanilang pamamalakad. Tapos napakarami nating batas na hindi naman naipapatupad,bakit kaya? Tulad halimbawa ng mga nagmamaneho ng mga sasakyan sa lahat ng kalsada, napakaraming nadidisgrasya nating mga inosenteng kababayan dahil sa mga walang disiplinang driver. Mga driver na nakakapag-drive maski walang lisensya o kayay hindi nakarehistro ang mga sasakyan nila.Napakarami na pong sasakyan sa ating lansangan, pero hindi naman nadadagdagan ang mga kalsada o kaya ay hindi napapaluwangan-ang sisikip kaya palaging may banggaan, isa pa ang hindi pagbibigayan ng mga driver sa kalsada.Dapat talaga ipatupad ng mahigpit ang batas trapiko-ikulong ang mga lasing na nagmamaneho, 'wag na sanang bigyan ng lisensya ang mga nakakadisgrasya!




thats true
ReplyDelete